Arestado ang isang Construction Worker na may kasong Frustrated Murder sa ikinasang Manhunt Charlie Operation ng mga operatiba ng Sta. Maria Municipal Police Station bandang 6:50 ng umaga sa Brgy. Ag-agrao, Sta. Maria, Ilocos Sur nitong Miyerkules, ika-6 ng Disyembre 2023.
Kinilala ni Police Colonel Darnell Dulnuan, Provincial Director ng Ilocos Sur Police Provincial Office, ang suspek na si Gilbert Dacquel y Villaruz, 38 at residente ng Brgy. Gusing, Sta Maria, Ilocos Sur.
Ayon kay PCol Dulnuan, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrrant of Arrest sa kasong Frustrated Murder na may inirekomendang piyansa na Php50,000.
Ang matagumpay na pagkakaaresto sa suspek ay patunay sa epektibong pagganap ng mga kapulisan ng kanilang mandato na hulihin at tugisin ang mga may pananagutan sa batas.
Source: Sta. Maria Municipal Police Station
Panulat ni PSSg Bader Ceasar Ayco