Arestado ng kapulisan ng Tabuelan ang isang construction worker na may kasong Murder sa Sitio Guimpilacan, Barangay Kantubaon, Tabuelan, Cebu, noong ika-30 ng Nobyembre 2024.
Kinilala ni Police Captain Amory P Napoles, Officer-In-charge ng Tabuelan Municipal Police Station, Cebu Police Provincial Office, ang suspek na si “Jimboy”, 29 anyos, residente ng nabanggit na lugar.
Bandang 2:00 ng hapon ng maaresto ng mga awtoridad ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Murder na walang rekomendadong piyansa.
Ang matagumpay na pagkakaaresto sa suspek ay patunay sa epektibong pagpapatupad ng kapulisan sa kanilang sinumpaang tungkulin kontra kriminalidad na naaayon sa mga programa ng pamahalaan upang magkaroon ng maunlad na bansa tungo sa Bagong Pilipinas.
Source: Tabuelan MPS SR