Arestado ang construction worker sa kasong rape sa isinagawang operasyon ng Dimataling Municipal Police Station katuwang ang Regional Intelligence Unit 9, Pagadian City Police Station at 2nd Zamboanga del Sur Provincial Mobile Force Company sa Barangay Banale, Pagadian City, Zamboanga del Sur nito lamang ika-17 ng Hulyo 2024.
Kinilala ni Police Major Mario A Regidor, Officer-In-Charge ng Dimataling MPS, ang suspek na si alyas “Dondon”, 41 anyos, lalaki, construction worker at residente ng Purok 4, Barangay Upper Ludiong, Dimataling, Zamboanga del Sur.
Naging matagumpay ang ikinasang operasyon ng mga awtoridad na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong 4 Counts of Rape na walang piyansa.
Patunay lamang na ang Pambansang Pulisya ng Pilipinas katuwang ang ibang ahensya ng pamahalaan ay hindi nagpapabaya sa sinumpaang tungkulin na hulihin ang mga taong tiwalag sa batas, para mapanatiling ligtas ang komunidad, at ipatupad ang kapayapaan ng bansa para sa umuunlad na Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Louise Marie V Conde