Oriental Mindoro – Arestado ng Puerto Galera Municipal Police Station ang isang construction worker matapos niyang pagsamantalahan ang isang dalawampu’t siyam na taong gulang na ginang, residente ng Puerto Galera, Oriental Mindoro noong ika-11 ng Disyembre 2022.
Kinilala ni Police Captain Kim Badillo, Officer-In-Charge ng Puerto Galera MPS, ang suspek na si alyas “Totoy”, 34, residente din ng Barangay Poblacion, Puerto Galera na isang construction worker.
Ayon kay PCpt Badillo, kuwento ng kapatid ng biktima, narinig niyang umiiyak ang kaniyang kapatid sa loob ng kwarto, at laking gulat ng tumambang sa kanya ang suspek sa loob ng kwarto na walang damit pang-itaas habang ang kanyang kapatid ay walang saplot.
Agad namang inaresto ng mga tauhan ng Puerto Galera MPS ang nasabing suspek.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Puerto Galera Municipal Police Station ang suspek habang inihahanda ang mga kaukulang dokumento laban sa kanya.
Ang Pambansang Pulisya ay hindi titigil sa kampanya laban sa pagsugpo sa kriminalidad, droga at terorismo para sa kaligtasan ng mamamayan at ng bansa.
Source: Puerto Galera MPS
Panulat ni Patrolman Erwin Calaus