Dupax Del Sur, Nueva Vizcaya – Arestado ang isang construction worker ng Dupax Del Sur PNP sa paglabag sa Gun Ban nito lamang Linggo, ika-15 ng Mayo, taong kasalukuyan.
Kinilala ni Police Colonel Ranser Evasco, Provincial Director ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office, ang suspek na si Leonardo Lumanga, 41, construction worker, residente ng Linawa, Brgy. Dopaj, Dupax Del Sur, Nueva Vizcaya.
Ayon kay PCol Evasco, naaresto ang suspek bandang 12:10 ng hapon sa Purok Linglingay, Brgy. Palabutan, Dupax Del Sur, Nueva Vizcaya habang nagpapatrolya ang mga tauhan ng Dupax Del Sur Municipal Police Station kung saan namataan ang suspek na nakasakay sa isang red Honda XRM at may kulay itim na rifle na nakasabit sa kanyang likod.
Agad pinahinto ang suspek ngunit sa halip na tumigil ay dumiretso ito sa pagmamaneho na siyang nag-udyok sa mga pulis na habulin ang suspek.
Nakumpiska mula sa suspek ang isang Estrella Parco Cal .22 converted rifle, walong piraso na bala, at isang unit na Honda XRM motorcycle.
Nahaharap ang suspek sa kasong Violation of Omnibus Election Code (Gun Ban) at Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).
Ang Dupax Del Sur PNP ay lalo pang paigtingin ang kampanya laban sa kriminalidad para mapanatili ang kaligtasan, katahimikan at kaayusan ng buong lalawigan.
Source: Dupax Del Sur Municipal Police Station
###
Panulat ni Police Staff Sergeant Mary Joy D Reyes
Good job PNP