Eastern Samar – Nagsagawa ng Community Outreach Program, Tree Planting at Clean-up Drive ang mga tauhan ng Eastern Samar PNP sa Maydolong, Eastern Samar noong Huwebes, Hunyo 30, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Rommel N Cesista, Chief ng Provincial Community Affairs and Development Unit ng Eastern Samar Police Provincial Office katuwang ang mga tauhan ng Maydolong MPS at kasama ang 2nd ESPMFC personnel at sa aktibong partisipasyon ng Criminology Interns (KKDAT members ng Maydolong Chapter).
Ang naturang aktibidad ay sinimulan sa pamamagitan ng Tree Planting Activity na ginanap sa Brgy. Del Pilar na mahigit 170 narra seedlings ang naitanim kasama ang aktibong partisipasyon ng mga opisyal ng barangay at mga mamamayan nito.
Sinundan ito ng community outreach program sa pamamagitan ng pagbibigay ng 70 food packs sa mga bata, matatanda at PWD’s bilang pangunahing benepisyaryo ng nasabing Barangay.
Nagsagawa din ng ilang parlor games para sa mga kalahok na bata ng Barangay Del Pilar at kalaunan ay dumalo sa lecture na isinagawa ng 2nd ESPMFC Personnel.
Isang Clean-up Drive din ang isinagawa at aktibong nilahukan ng KKDAT Maydong Chapter (Criminology Interns) sa paligid ng Eastern Samar State University Maydolong Campus.
Natapos ang aktibidad sa isang symposium on Anti-Illegal Drug and Anti-Terrorism na nilahukan naman ng mga 1st, 2nd at 3rd year College Students ng Eastern Samar State University (ESSU) Maydolong Campus.
Ang kapulisan ng Eastern Samar ay nagbigay paalala sa mga estudyante para sa kahalagahan ng edukasyon at pagiging Makabayan. Hinikayat din ang mga mag-aaral na kumuha ng entrance exam na inaalok ng PNPA, upang sila ay maging isang future Cadet sa Philippine National Police Academy (PNPA) at sa kalaunan ay maging isang huwarang opisyal ng Tri-Bureaus (PNP, BFP at BJMP).
###
Panulat ni Patrolwoman Rialyn B Valdez