Antipolo City, Rizal – Nagsagawa ng Community Outreach Program sa pamamagitan ng “Pulis ang Teacher ko” ang Antipolo PNP sa Bagong Nayon II Multi-Purpose Hall, Brgy. San Isidro, Antipolo City nito lamang Sabado, Hunyo 25, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng Antipolo City Police Station sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel June Paolo Abrazado, Acting Chief of Police katuwang ang Antipolo City Advisory Group sa pangunguna ni Ms. Rita Edillo, Chairman at mga guro ng Bagong Nayon II Elementary School.
Namahagi ng food packs ang mga grupo sa mga Grade 4 Pupils ng naturang paaralan.
Ang mga tauhan ng Antipolo CPS na mga lisensyadong guro/pulis ay ibinahagi at nagturo sa mga kabataan sa pagsusulat, pagbabasa at pagbibilang.
Ibinahagi rin ni PLtCol Abrazado ang kanyang mensahe na pampatibay-loob at inspirasyon sa mga bata at mga paalala na tapusin ang kanilang pag-aaral upang makatulong sa kanilang mga magulang sa hinaharap.
###
Police Executive Master Sergeant Joe Peter Cabugon