Pinangunahan ng mga tauhan ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office (PPO) ang isinagawang Community Outreach program sa Barangay Talbek, Dupax del Sur, Nueva Vizcaya nito lamang ika-21 ng Oktubre taong kasalukuyan.
Ayon kay Police Colonel Dante Lubos, Officer-In-Charge ng Nueva Vizcaya PPO, nagsagawa sila ng medical at dental mission, eye check-up at libreng gupit.
Maliban dito ay namahagi din sila ng mga school supplies sa mga mag-aaral at libreng ice cream at biscuits sa mga bata.
Nagkaroon din ng COVID-19 vaccination at Oplan VISA registration.
Matagumpay ang aktibidad dahil sa tulong at suporta ng lokal na pamahalaan ng Dupax Del Sur; Cornerstone Healthcare Ministry; mga volunteer doctors, nurses at pastors.
Ang aktibidad ay alinsunod sa Revitalized PNP KASIMBAYANAN program na naglalayong pagtibayin ang ugnayan ng Kapulisan, Simbahan at Pamayanan tungo sa pagseserbisyo ng may malasakit sa kapwa upang makamit ang kaayusan, kapayapaan at kaunlaran ng bayan.
Source: Nueva Vizcaya PPO
Panulat Ni Police Corporal Carla Mae P. Canapi