Wednesday, November 27, 2024

Community Outreach Program, patuloy na isinasagawa ng Tagbilaran City PNP

Tagbilaran City, Bohol – Patuloy na nagsasagawa ang mga kawani ng Tagbilaran City PNP ng Community Outreach Program sa iba’t ibang bahagi ng Tagbiliran City nito lamang Martes, ika-9 ng Agosto 2022.

Sa naturang programa ay inilunsad ang best practices ng Tagbilaran City Police Station na Project R.E.A.L. (Reading Enhancement, Assessment, and Literacy) Police Mobile Library at Libreng Lugaw ni Manang Hepe sa Brgy. Taloto ng nasabing lungsod.

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Regie P Real, Chief of Police ng Tagbilaran CPS katuwang ang mga tauhan nito at maging ang mga residente ng nasabing barangay.

Tampok sa mga naging gawain sa naturang aktibidad ang pagtuturo ng nasa mahigit 120 bata ng pagbabasa, pamamahagi ng kaalaman patungkol sa mga batas na nangangasiwa ng karapatan ng mga bata, at pagbibigay ng masustansiyang pagkain.

Hangad ng naturang gawain na patuloy na makapagpaabot ng tulong sa mga residente ng kanilang nasasakupan lalo na sa mga bata, kaya naman walang humpay na inililibot ng mga tauhan ng istasyon ang naturang programa para sa mabilis at maayos na pagsasakatuparan nito.

Tiniyak naman ng Tagbilaran City Police Station na hindi sila titigil sa pagpapaabot ng tapat at mahusay na serbisyo publiko nang maipadama ang tunay na malasakit at pagmamahal ng Pambansang Pulisya.

###

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles