Tapaz, Capiz – Patuloy ang Community Outreach Program na isinasagawa ng 602nd Company ng Regional Mobile Force Battalion 6 sa Brgy. San Miguel Ilawod, Tapaz, Capiz nitong ika-16 ng Agosto 2022.
Ang nasabing programa ay pinangunahan mismo ni Police Major German R Magbanua III, Company Commander at mga tauhan nito na may layuning ipagpatuloy ang mga programang tiyak na nakakatulong sa komunidad.
Nakilahok din sa naturang aktibidad ang mga kasapi ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo Tapaz Chapter, Department of Social Welfare and Development Tapaz sa pangunguna ni Ms. Roselle Marie Salamanca at mga Barangay Official ng nasabing barangay.
Kabilang sa mga isinagawa ang feeding program at Project VIBES para sa mga kabataan at Project Juana naman para sa mga kababaihan sa parehong lugar upang maiwasan ang anumang uri ng krimen at masiguro ang kanilang kaligtasan.
Nagkaroon din ng talakayan tungkol sa RA 9262 o Anti-Violence Against Women and Children Act of 2002 upang magabayan ang lahat ng mga kababaihan sa kanilang mga karapatan at malabanan ang mga posibleng pagmamalupit sa kanila.
Samantala, nagpasalamat naman ang buong RMFB 6 sa mga nakiisa at tumulong sa nasabing outreach program at tiniyak na ipagpatuloy pa ang pagsasagawa ng parehong mga aktibidad sa buong rehiyon.
###