Allacapan, Cagayan (January 14, 2022) – Nagsagawa ang mga Cagayano Cops sa pangunguna ng Probinsiyal Direktor (PD) na si Police Colonel Renell R. Sabaldica ng Community Outreach Program sa Barangay Silagan, Allacapan, Cagayan noong Enero 14, 2022.
Namahagi ang grupo ng 100 food packs, 60 pirasong tsinelas, mga bitamina, gamut, mga used clothes, biskwit at kendi para sa mga bata na nakadagdag kasiyahan sa nasabing aktibidad.
Naghandog naman ng pameryenda o “Mana pack” ang mga life-coaches at tauhan ng Allacapan Police Station sa mga residenteng dumalo.
Naging sentro rin ng programa ang pagbahagi ng mensahe ni Bb. Plor Olet, Regional Director ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) tungkol sa mga panlilinlang na isinasagawa ng mga teroristang grupo upang makahikayat ng mga magiging miyembro ng kanilang grupo.
Pinatotohanan ni “Ka Kira”, isang dating rebelde, na ang kanyang pagpanig sa teroristang grupo ay ang kanyang pinakamadilim na nakaraan. Hinimok din niya ang mga dumalo na huwag nang suportahan ang mga teroristang grupo.
Tinalakay rin ni Hon. Christopher Molina, Bise-Presidente ng Anti-terrorism ng KKDAT- Allacapan Chapter, ang adbokasiya, plano at iba’t-ibang aktibidad ng KKDAT- Allacapan Chapter. Hinikayat rin niya ang mga kabataan na suportahan ang mga programa ng pamahalaan upang maiwaksi ang mga problemang hatid ng ilegal na droga at terorismo.
Nakiisa at sumuporta sa programang ito ng mga opisyales ng lokal na pamahalaan ng Allacapan, mga barangay officials, My Brother’s Keepers Life Coaches, Police Regional Office 2-Officers Ladies Club (PRO 2-OLC) sa pangunguna ni Mrs. Leah F. Sabaldica, President, sa direktang pangangasiwa ni Mrs. Lizette R. Ludan, Adviser, Allacapan Ladies Bikers, Advocacy Support Groups at mga KKDAT Ambassadors & Ambassadress.
Sa mensahe ni PD Sabaldica, ang aktibidad na isinasagawa ng mga kapulisan ay paraan upang pagtibayan ang kolaborasyon ng komunidad at kapulisan. Sapagkat ang pagpanatili ng kaayusan at kapayapaan sa lalawigan ng Cagayan ay nagmumula sa pagkakaisa at pagtutulungan ng mga kapulisan at mga taumbayan.
“Mas nalologon nu mabvurulun tam ngamin” (Mas maganda kung tayo ay magkaisa) tungo sa mas maayos, maunlad at mapayapang probinsya ng Cagayan. Sapagkat ang mga kapulisan ay hindi makakayang mapanatili ang kaayusan ng ating lugar kung wala ang tulong at suporta ninyo sa amin”, ani PD Sabaldica.
Ang aktibidad ay nagtapos na nag-iwan ng ngiti at saya sa mga benepisyaryo lalong-lalo na sa mga Cagayano Cops at mga sumusuporta sa programa sapagkat nakapagpaabot na naman sila ng tulong sa mga kababayan nating nasa liblib na lugar.
#####
Serbisyong may puso salamat sa mga Alagad Ng Batas