Sal-Lapadan, Abra – Matagumpay na nagsagawa ng Community Outreach Program ang mga pulisya ng Cordillera sa Barangay Ud-udiao, Sal-Lapadan, Abra noong Marso 24, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Major Willy Dumansi, Chief, PIS RCADD, katuwang ang Regional Community Affairs and Development Division, Regional Medical and Dental Unit Cordillera, Abra Police Provincial Office, Sal-Lapadan Municipal Police Station,1st and 2nd Provincial Mobile Force Company, Regional Mobile Force Battalion 15, Dolores Municipal Police Station, Tineg Municipal Police Station, Manabo Municipal Police Station, Lagangilang Municipal Police Station, 71st Battalion Charlie Company (INF) Philippine Army, Maezelle Psycho Metier, Local Government Unit ng Sal-Lapadan at Barangay Officials ng Brgy. Ud-udiao.
Mahigit 200 na residente ang nakatanggap ng serbisyong medikal, mga gamot at bitamina, gayundin ang mga assorted food packs at mga damit mula sa mga kapulisan.
Samantala, 18 na katao naman ang naturukan ng Pneumo Vax, 9 na bata ang nakatanggap ng libreng tuli, 46 na bata ang nakatanggap ng Flouridation at Dental lecture, 37 katao ang dumaan sa libreng medical consultation, at 50 na bata ang nakatanggap ng libreng stuff toys.
Namigay din ng mga libreng tsinelas at mga sapatos ang Maezelle Psycho Metier na pagmamay-ari ni Ginang Jocelyn Suello at pinangunahan naman ni Ginang Concesa B. Lumaque, Admin ng naturang pagamutan.
Nagkaroon din ng libreng gupit na pinangunahan ng mga kapulisan at ng mga kasundaluhan kasabay ang iba’t ibang palaro na labis na ikinatuwa ng mga bata.
Bukod pa dito, tinalakay at nagbigay ng karagdagang kaalaman ang mga tauhan ng RCADD tungkol sa tungkulin ng mga magulang at responsibilidad ng kanilang mga anak sa ilalim ng R.A. 9262.
Ang Sallapadan MPS naman ay tinalakay ang NTF-ELCAC sa ilalim ng EO. 70.
Samantala, nagpaabot naman ng labis na pasasalamat si Ginoong Fernando Dakiwas, Punong Barangay at mga residente ng Brgy. Ud-udiao sa hatid na tulong at serbisyo ng mga kapulisan sa kabila ng napakalayo, bako-bakong daan at napakaliblib ng kanilang lugar.
Ang Pambansang Pulisya ay handang magsakripisyo para isakatuparan ang sinumpaang tungkuling tulungan at pagsilbihan ang ating kababayan anumang dahok ang mararanasan.
###
Panulat ni Patrolman Raffin Jude A. Suaya
Tunay n may malasakit ang mga kapulisan