Bulacan – Umarangkada ang Community Outreach Program ng mga tauhan ng Malolos City PNP para sa mga batang residente ng Brgy. Mojon, Malolos City, Bulacan nito lamang Lunes, ika-27 ng Nobyembre 2023.
Ang naturang aktibidad na pinamunuan ni Police Lieutenant Colonel Andrei Anthony Manglo, Chief of Police ng Malolos City Police Station.
Namahagi ang mga awtoridad ng libreng pagkain at pre-loved clothes.
Ito ay kaugnay sa pagdiriwang ng National Children’s Month 2023 na may temang “Healthy, Nourished, Sheltered: Ensuring the Right to Life for All.
Patuloy ang paghahatid ng serbisyo ng Malolos City PNP sa kanilang nasasakupan upang mas mapagtibay ang magandang ugnayan ng PNP at komunidad.
Source: Malolos City Police Station
Panulat ni PCpl Jeselle V Rivera