Patuloy pa rin ang pag-arangkada ng 2nd Cagayan Provincial Mobile Force Company ng Community Outreach Program sa Aparri West, Aparri, Cagayan noong ika-2 ng Disyembre 2023.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni Police Captain Julius Viernes, Platoon Leader, kasama ang Aparri Police Station at mga miyembro ng Cagayan Valley Varsitarian.

Umabot sa 150 na bata ang naging benepisyaryo sa isinagawang feeding activity at gift giving.

Samantala, isinabay na rin ni Rev Fr. Kenneth Maggay ang KASIMBAYANAN upang ituro ang mga salita ng Diyos na maging gabay sa magandang kinabukasan.

Ang Cagayan PMFC ay patuloy sa pagsusuporta at paghahatid ng serbisyo sa mga nangangailangan sa kanilang nasasakupan.
Source: 2nd Cagayan PMFC