Misamis Oriental – Matagumpay na naisagawa ang Community Outreach Program ng Police Regional Office 10 sa Brgy. San Isidro, Medina, Misamis Oriental nito lamang umaga ng Mayo 10, 2023.
Pinangunahan ito ni Police Brigadier General Lawrence Coop, Regional Director ng Police Regional Office 10 at iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.
Ilan sa mga serbisyong ipinagkaloob sa mga residente ay libreng gupit, pamamahagi ng food packs, tsinelas, pack lunch, pamimigay ng libreng gamot.
Isinagawa rin ang libreng medical circumcision, dental check-up, libreng gupit, Sim at National ID registration.
Kasabay din nito ang pagsasagawa ng lecture tungkol sa RA 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2002.
Bukod dito nagturn-over din ng apat na water tub na isa sa mapagkukunan ng malinis na tubig sa nasabing barangay.
Nagpapasalamat naman ang higit sa 400 benepisyaryo sa natanggap nilang dekalidad na serbisyo.
Layunin nito na maihatid ang social services at matulungan ang mamamayan lalong lalo na sa Geograhically Isolated Disadvantage Areas at mapalapit ang pulisya sa mga mamamayan.
Panulat ni Patrolman Edwin Baris/RPCADU10