Muling umarangkada ang Community Outreach Program na isinagawa ng Baggao Police Station na ginanap sa Daligadig Elementary School, Barangay Sta. Margarita, Baggao, Cagayan nitong ika-18 ng Oktubre 2022.
Ayon kay Police Major Ronald Balod, Officer-In-Charge, nasa 58 mag-aaral ang naging benepisyaryo ng aktibidad.
Masayang tinanggap ng mga bata ang mga school supplies, tsinelas, mga damit at nagkaroon din ng feeding program na nakadagdag ng saya at tuwa sa kanila.
Layon ng programa na matulungan ang mga batang mag-aaral at ipadama na ang mga kapulisan ay kanilang kaibigan at huwag dapat katakutan.
Naging matagumpay ang aktibidad sa pagtutulungan ng mga tauhan ng 77IB PA, Charlie Company, Criminology Interns, mga guro ng nabanggit na paaralan, mga opisyal ng Barangay, at iba’t ibang stakeholders.
Magpapatuloy ang ganitong mga aktibidad ng Cagayan Police Provincial Office sa pamumuno ni Police Colonel Julio Gorospe, Jr, Officer-In-Charge upang pagtibayin ang ugnayan ng kapulisan at mamamayan.
Source:Baggao PS
Panulat ni Police Corporal Carla Mae P Canapi