Bukidnon – Muling naghatid ng saya ang Police Regional Office 10 sa isinagawang Community Outreach Program sa mga residente ng Brgy. Mauswagon, Cabanglasan, Bukidnon nito lamang ika-28 ng Septyembre 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Colonel Reynante Reyes, Chief ng Regional Community Affairs and Development Division 10 kasama sina Police Major Dino Cuevas, Chief of Police ng Cabanglasan Municipal Police Station; Hon. Jocelyn S Sinadjan, Punong Barangay; at si Hon. Lolita N Bullecer, Municipal Mayor ng Cabanglasan, Bukidnon.
Nakiisa din sa aktibidad ang J&T Express, KUSGAN Volunteers, mga guro sa Mauswagon Elementary School at mga opisyales ng naturang barangay.

Sa naturang aktibidad ay nagkaroon ng lectures patungkol sa Anti-illegal Drugs, Violence against Women and Children at CTG Atrocities para sa mga residente ng nasabing barangay.
Nagsagawa din ng Turn-over Ceremony sa pagbibigay ng Solar Lights na bahagi ng Quick Impact Project ng Revitalized – Pulis Sa Barangay.

Nagkaroon din ng pamimigay ng libreng foodpacks, tsinelas, packed lunch, libreng gupit at tuli; libreng gamot at check-up na hatid ng Regional Medical and Dental Unit 10 at KUSGAN Volunteers.
Ang Police Regional Office 10 ay patuloy sa paghahatid ng serbisyo lalong-lalo na sa mga Geographically Isolated and Disadvantage Areas o GIDAS para maihatid ang tulong ng pamahalaan at upang mas mapagtibay ang ugnayan ng Pambansang Pulisya at mamamayan.