Pasay City – Nagsagawa ng Community Outreach Program ang mga tauhan ng Southern Police District sa Muslim Community na matatagpuan sa Park Avenue Extension, Barangay 79, Zone 10, District 1, Pasay City, nito lamang Biyernes, Abril 21, 2023.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Colonel Jenny Tecson, Chief, DCADD kasama ang mga tauhan nito sa ilalim ng pamumuno ni PBGen Kirby John Kraft, District Director ng SPD.
Namahagi ang grupo ng food packs (SADAQAH), pineapple Fit at Right juice, bottled water, at pares ng puting sapatos. Kaugnay ito sa selebrasyon ng Eid’l Fitr sa 102 na kapatid nating mga Muslims.
Kasabay nito, nagturo naman ang mga tauhan ng Community Affairs Section tungkol sa drug awareness, safety tips sa panahon ng SUMVAC, ELCAC, at PNP Safety and Security alinsunod sa KASIMBAYANAN Program bilang bahagi ng kamalayan sa impormasyon ng komunidad.
Sa kabilang banda, ang aktibidad na ito ay naaayon din sa peace and security framework ng Chief PNP, na tinaguriang M+K+K=K Program na “Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan tungo sa Kaunlaran sa pamamagitan ng pagpapatupad ng Revitalized PNP KASIMBAYANAN (Kapulisan, Simbahan at Pamayanan) Program; S.A.F.E SPD Serve, Protect and Dependable Program and the Salaam Police mandate.
Source: DCADD SPD
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos