Occidental Mindoro – Nagsagawa ng Community Outreach Program ang mga tauhan ng 1st Maneuver Platoon, 2nd Occidental Mindoro sa Sitio Santolan, Brgy. Payompon, Mamburao, Occidental Mindoro noong ika-7 ng Abril 2023.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng 1st MP, 2nd Occidental Mindoro PMFC sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Tyrone Del Rosario, Force Commander ng 2nd Occidental Mindoro PMFC katuwang ang Kabataan Kontra Droga at Terorismo at HOSEA Christian Mission Church International.
Namahagi ang grupo ng mainit at masarap na sopas sa mga residente ng nasabing lugar.
Ito ay kaugnay sa programa sa peace and security framework ni CPNP na M+K+K=K (Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan, tungo sa Kaunlaran) at sa paglulunsad ng Revitalized PNP KASIMBAYANAN Program na naglalayong matulungan ang ating mga kababayan na lubos na nangangailangan.
Panulat ni Patrolman Erwin Calaus