Nagsagawa ng Community Outreach Program ang Tangub City Police Station sa Baluc Elementary School sa Tangub City, Misamis Occidental nito lamang ika-6 ng Pebrero 2024.
Ang aktibidad ay pinangasiwaan ni Police Lieutenant Colonel Marlo B Mesias, Officer-in-Charge ng Tangub CPS kasama ang mga tauhan ng Misamis Occidental 2nd Provincial Mobile Force Company, Misamis Occidental Police Provincial Office at Salaam Misamis Occidental PRO10.

Katuwang din nila sa proyekto ang kanilang mga stakeholders, Department of Education Tangub at principal at mga guro ng Baluc Elementary School.
Dito ay namahagi ang grupo sa 110 indibidwal ng mga school bag, pagkain, inumin at nagsagawa rin sila ng laro at storytelling sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng Mobile Library.

Ang aktibidad ay bahagi ng Serbisyong Cardo, Serbisyong may PUSO ng Police Regional Office 10 sa ilalim ng pamumuno ni Police Brigadier General Ricardo Layug Jr., Regional Director, kabalikat ang layunin ng pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magtatag ng maayos na pamumuhay at matatag na pamayanan.
Panulat ni Pat Jovelyn J Dodoso