Tacloban City – Nagsagawa ang Tacloban City PNP ng Community Outreach Program sa Brgy. 98 Zone 6 Camansihay, Tacloban City nito lamang Sabado, Hunyo 25, 2022.
Ang isinagawang Community Outreach Program ay tinaguriang “Retooled Community Support Program (RCSP) Inspired Adopt A Community” na pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Aladdin E Dingal, Force Commander ng Tacloban City MFC kasama ang Women and Children Protection Desk.
Ang naturang aktibidad ay sa pakikipagtulungan ng Good Fellow Foundation, Manila sa pamamagitan ng Central Tacloban Filipino-Chinese Volunteer Fire Brigade, Inc., at PEPSI Cola Products Phils. Inc. ng Tanauan, Leyte.
Nagsimula ang naturang aktibidad sa maikling programa na sinundan ng maikling talakayan ng mga tauhan ng WCPD tungkol sa RA 9262 o “Anti – Violence Against Women and their Children Act of 2004” at RA 7610 “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.
Tinalakay naman ni Police Captain Bobby B Montaño ang Anti-terrorism at Drug Awareness Campaign ng gobyerno.
Nasa mahigit 50 pamilya ng nasabing barangay ang nakatanggap ng kilo-kilong bigas, de-lata at noodles.
Sa kabilang banda, humigit kumulang 50 bata ang nabigyan ng masarap na meryenda gaya ng spaghetti, pritong manok, arrozacaldo at sila ay nabigyan din ng libreng tsinelas.
Ang Tacloban City PNP ay naglalayong turuan na mabigyan ng kamalayan ang publiko lalong-lalo na ang mga kabataan sa masamang epekto ng paggamit ng ilegal na droga at palawakin ang kanilang kaalaman sa terorismo na nangyayari sa ating bansa.
###
Panulat ni Patrolwoman Rialyn B Valdez