Subic, Zambales – Isinagawa ng Subic PNP ang Community Outreach Program sa Sitio Abot Brgy. Cawag, Subic, Zambales nito lamang Miyerkules, Setyembre 29, 2022.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni Police Major Mark Louie Sigua, Acting Chief of Police ng Subic Municipal Police Station.
Tinatayang 150 ang nagbigyan ng relief goods at libreng gupit.
150 pares ng tsinelas naman ang naibigay at nagkaroon din ng feeding program para sa mga kabataan.
Ang aktibidad ay kaugnay sa programa ng Pambansang Pulisya na “M+K+K= K”, Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan tungo sa Kaunlaran.
Source: Subic Municipal Police Station
Panulat ni Police Corporal Jeselle Rivera