Pinilahan ng mga kabataan at matatanda ang isinagawang Community Outreach Program ng Southern Police District sa Avocado cor. Aratiles St. Bf Int’l. CAA sa Las Piñas City nito lamang Miyerkules, Hunyo 5, 2024.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng District Community Affairs and Development Division at District Mobile Force Battalion sa ilalim ng pamumuno ni PBGen Leon Victor Z Rosete, District Director ng SPD katuwang si G. Han Hanter, JK Essentials Inc kasama ang Sanib Lahi Prince of Pearl Eagles Club/ Hagville Green Initiative Phils at iba pang stakeholders.
Namahagi ang grupo ng food packs na binubuo ng delata, noodles, bigas at iba pang pangunahing pangangailangan sa araw araw.
Labis naman ang pasasalamat ng mga nakatanggap sa biyayang galing sa nasabing grupo.
Layunin ng PNP at Stakeholders na tulungan ang ating pamahalaan na bigyan ng tulong ang ating mga kababayang nasa mahirap na estado ng pamumuhay.
Source: DCADD SPD
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos