Maria, Siquijor – Nagsagawa ang mga tauhan ng Siquijor Police Provincial Office ng Community Outreach Program sa Pisong B, Maria, Siquijor nito lamang ika-29 ng Oktubre 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Colonel Robert Lingbawan, Provincial Director, katuwang ang mga tauhan ng Maria Police Station at Lingbawan Family bilang pagdiriwang sa ika-10 kaarawan ng kanilang anak.
Nagsimula ang nasabing aktibidad sa pamamagitan ng KASIMBAYANAN Meeting na pinangunahan ni Pastor Fabio Artajo at maikling talakayan patungkol sa RA 7610 (Special Protection of Children Against Child Abuse), RA 9262 (Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004) at RA 11648 (An Act Providing for Stronger Protection Against Rape and Sexual Exploitation and Abuse, Increasing the Age for Determining the Commission of Statutory Rape) na siyang pinangunahan ng nasabing himpilan.
Sinundan ito ng nakakaaliw na parlor games, dance number, feeding program, pamamahagi ng mga sako-sakong bigas, regalo, laruan, hygiene kits, school supplies at tsinelas.
Ang mga simpleng aktibidad na nagbibigay ng ngiti at galak sa mga mamamayan ay patuloy na inilulunsad ng mga kapulisan upang mas lalong mapagtibay ang magandang ugnayan ng kapulisan at komunidad para sa mas maayos, ligtas at maunlad na pamayanan.