Maria, Siquijor – Naglunsad ng Community Outreach Program ang mga tauhan ng Maria Police Station sa Brgy. Calunasan, Maria, Siquijor nito lamang ika-2 ng Hulyo 2022.
Ang isinagawang programa ay pinangunahan ni Police Lieutenant Susmistha Sharmaine B Hinoguin, Officer-in-Charge, katuwang ang mga miyembro ng PSBRC CL 2012-02 “Romans”.
Ayon kay Police Lieutenant Hinoguin, tinatayang nasa mahigit 50 na mga bata sa Barangay Calunasan ang nabigyan ng school supplies.
Ang aktibidad ay isinakatuparan sa pagdiriwang ng ika-27th Police Community Relations Month na may temang “Ugnayang Pulisya at Komunidad tungo sa Mapayapa, Maayos at Maunlad na Pamayanan” at bilang pagdiriwang din ng ika -10 anibersaryo ng Class “Romans”.
Layunin ng Pambasang Pulisya na patuloy na makapagbigay ng tulong sa ating mga kababayan ng walang pinipiling oras, sitwasyon at pagkakataon.
###
Panulat ni Patrolwoman Kyla Hannah R Evangelista