Sarangani Provice – Nagsagawa ng Community Outreach Program ang mga tauhan ng Sarangani Police Provincial Office sa mga estudyanteng mag-aaral ng Alabel National High School sa Brgy. Ladol, Day Care Center, Sarangani Province nito lamang ika-22 ng Pebrero 2023.
Mahigit 100 na mga estudyante ang lumahok sa aktibidad na nabigyan ng mga pagkain at bottled water.
Kasabay ng aktibidad ay nagturo din ang ating pulisya ng kaalaman patungkol sa RA 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004.
Nagpasalamat naman ang mga kabataan dahil sa kabila ng sakuna at pandemya ay patuloy pa din ang ating kapulisan sa pagtulong.
Ang aktibidad na ito ay alinsunod sa Peace and Security Framework ni Police General Rodolfo S Azurin Jr., Chief PNP, na Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan tungo sa Kaunlaran o MKK=K sa pamamagitan ng pagpapatupad ng Revitalized PNP KASIMBAYANAN o Kapulisan, Simbahan at Pamayanan Program.
Panulat ni Patrolman Charnie Atienza Mandia/RPCADU12