Isabela – Umarangkada sa isinagawang Community Outreach Program ang City Mobile Force Company ng Santiago PNP na pinamumunuan ni Police Lieutenant Colonel Michol Lava sa Balintocatoc Integrated School at Day Care Center ng Barangay Bannawag Norte, Santiago City, Isabela noong ika-12 at 13 ng Oktubre 2023.
Unang binisita ng grupo ang Balintocatoc Integrated School kung saan tinalakay ni Pat Jescenbon Agabin at Pat Everson Garvela ang topic hinggil sa terorismo sa pamamagitan ng Project Ka.Ba.Ta na dinaluhan ng humigit-kumulang 100 na estudyante ng naturang paaralan.

Sa ikalawang araw ng programa, binisita rin nila ang mga estudyante ng Day Care Center ng Barangay Bannawag Norte, Santiago City para sa Project Learning on W.H.E.E.L.S kung saan namigay sila ng libreng stuffed toys at mga candies sa mga batang dumalo at nagkaroon ng Feeding Program.
Bakas ang tuwa sa mga labi at tanging pasasalamat ang nasambit ng mga mag-aaral sa naganap na aktibidad.
Ang aktibidad na ito ay nakapaloob sa 5-Focus Agenda ng Chief PNP na Community Engagement kung saan naglalayong mapaigting ang tiwala ng mamamayan sa kapulisan para mapagtagumpayan ang kaayusan at kapayapaan ng komunidad.
Source: CMFC, Santiago CPO
Panulat ni PSSg Jerlyn V Animos