Nagsagawa ng Community Outreach Program ang City Mobile Force Company (CMFC) ng Santiago City Police Office sa mga mag-aaral ng Barangay Calaocan Santiago City noong ika-8 ng Marso 2024.
Tampok sa nasabing aktibidad ang Project Learning on W.H.E.E.L.S patungkol sa Anti-Bullying Act of 2013 (Republic Act 10627) at symposium patungkol sa usaping terorista.

Samantala, ang Regional Health Service ay nagbigay ng kaalaman sa tamang paghuhugas ng kamay sa mga mag-aaral upang maiwasan ang pagkakasakit lalo na sa panahon ngayon.

Sinundan ito ng feeding program upang bigyang pansin ang usaping malnutrisyon na inihandog sa dalawampung (20) mag-aaral ng nasabing paaralan.

Patuloy ang PNP na maghahatid ng pangunahing serbisyo na naglalayong tulungan ang mga mamamayan ng Santiago City sa laban kontra terorista at kriminalidad na naaayon sa programang NTF-ELCAC at Revitalized Pulis Sa Barangay ng Pambansang Pulisya.
Ang nasabing programa ay bilang suporta sa programa ng ating Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. hinggil sa kalusugan na naglalayong pagbutihin ang pagiging abot-kamay sa mga serbisyong pangkalusugan para sa lahat ng mamamayan, lalo na sa mga liblib at hindi gaanong nasusuplayan ng medical services na lugar.
Source: Cmfc Scpo
Panulat ni Pat Rolando T Baydid Jr.