San Juan City — Nagsagawa ng Community Outreach Program ang mga tauhan ng San Juan City Police Station sa Brgy. Corazon de Jesus, Covered Court, San Juan City nito lamang Martes, ika-25 ng Hulyo 2023.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng Station Community Affairs and Development Section sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Francis Allan Reglos, Chief of Police ng San Juan CPS kasama ang Police Security and Protection Group (PSPG), at mga opisyales ng nasabing barangay.
Nagkaroon ng Awareness lecture ang mga tauhan ng PSPG tungkol sa Basic Human Rights at R.A. 9262 (VAWC) kasabay ng pamamahagi ng mainit na lugaw, tinapay, at juice sa mga residente kabilang ang mga senior citizens, bata, at PWDs.
Ito ay kaugnay sa ika-28th PCR Month Celebration ng pulisya na may temang: “Serbisyong Nagkakaisa para sa Ligtas at Maunlad na Pamayanan”.
Layunin nitong palakasin ang presensya ng pulisya at tiyakin ang kaligtasan at seguridad ng mga residente sa naturang lungsod alinsunod sa Five (5) Focused Agenda ni Chief PNP para sa mas maayos at mas epektibong puwersa ng pulisya sa ilalim ng “Community Engagement” Serbisyong Nagkakaisa.
Source: San Juan City PNP
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos