Abra – Nagsagawa ng Community Outreach Program ang mga tauhan ng 1504th Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 15 sa Caupasan Elementary School, Danglas, Abra nito lamang ika-4 ng Mayo 2023.
Pinangunahan ito ni Police Captain Denis Avillanoza, katuwang ang mga tauhan ng 1504th ng RMFB15, Philippine Army, Abra Dental Chapter, Danglas Municipal Police Station at stakeholders.
Ang mga nasabing grupo ay namahagi ng mga gamit pang-eskwela, libreng dental check-up, libreng gamot, pagbahagi ng hygiene packs at pagkain para sa mga mag-aaral.
Ang outreach program ay naglalayong pagtibayin ang relasyon ng komunidad at pamahalaan.
Nagbigay-aral din ang mga kapulisan patungkol sa iba’t ibang kriminalidad upang maiwasan at hindi pamarisan ng mga kabataan.
Labis ang pasasalamat ng mga guro at mga estudyante sa mga natanggap at patunay lamang ito na ang Pambansang Pulisya ay handang tumulong at magserbisyo sa mamamayan lalo na para sa magandang kinabukasan ng mga kabataan.
Source: Regional Mobile Force Battalion 15