Cebu – Nagsagawa ng Community Outreach Program ang mga tauhan ng Regional Mobile Force Battalion 7 sa Owak Elementary School, Barangay Owak, Asturias, Cebu nito lamang ika-18 ng Abril 2023.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni Police Colonel Ronan Rodriguez Claravall, Force Commander, katuwang ang 701st Maneuver Company, 2nd PMFC at mga miyembro ng Elite Guardians Dalaguete Chapter na pinamumunuan ni Henry Ricky P Cordero.
Matagumpay na naisakatuparan ang aktibidad sa pamamagitan ng feeding activity at pagbibigay saya ng naturang grupo sa pamamagitan ng pagkanta at dance presentation na siyang sinabayan ng mga mag-aaral ng nasabing paaralan.
Bukod dito, nagbigay kaalaman din ang mga ito patungkol sa RA 7610 (Special Protection of Children against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act), RA 9262 (Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004), RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at Anti-Terrorism.
Ang mga ganitong programa ay nagpapakita lamang na ang PNP ay patuloy na nagbibigay tulong at serbisyo sa mga mamamayan sa kanilang nasasakupan upang ipadama ang pagmamahal sa kapwa.