Tarlac – Naghatid ng tulong ang Regional Mobile Force Battalion 3 sa mga residente ng Brgy. Labney, Masinloc, Tarlac nito lamang Biyernes, ika-10 ng Marso 2023.
Kabilang ang nasabing lugar sa Geographically Isolated Disadvantage Areas na kung saan napapaligiran ng matataas na bundok, walang internet connection, signal at malayo sa kabihasnan.
Kaya naman hindi inalintana ang pagod ng mga awtoridad at miyembro ng KKDAT na maipaabot ang libreng grocery packs, donuts at masarap na sopas para sa mga bata.
Pinamunuan ng naturang aktibidad ni Police Lieutenant Colonel Jay Dimaandal, Force Commander ng Regional Mobile Force Battalion 3 katuwang sa paghahatid ng tulong ang Kabataan Kontra Droga at Terorismo at Masinloc PNP.
Lubos naman ang galak at pasasalamat ng mga residente sa tulong na handog ng RMFB 3.
Sinisiguro ng Central Luzon PNP na patuloy sa paghahatid ng serbisyo at mas mapagtibay ang ugnayan ng PNP at pamayanan.
Source: Regional Mobile Force Battalion 3
Panulat ni Police Corporal Jeselle Rivera/RPCADU3