Binangonan, Rizal – Nagsagawa ng Community Outreach Program, Lecture at Information sa Brgy. Malakaban, Talim Island, Binangonan, Rizal nito lang Biyernes, Hulyo 22, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Colonel Dominic Baccay, Provincial Director ng Rizal Police Provincial Office, katuwang si Police Lieutenant Colonel Rosell Encarnacion, Deputy Director for Operation, Police Lieutenant Colonel Vicente Gil Palma, Chief of Police ng Binangonan Municipal Police Station, Police Lieutenant Colonel Owen Banaag, Regional Police Community Affairs and Development Unit 4A at Police Major Marinell Fronda, Provincial Police Community Affairs and Development Unit.
Nagsagawa ang grupo ng Information Drive at Lecture sa mga Barangay Tanod at residente ng naturang barangay kung saan namahagi ng mga kaalaman tungkol sa tamang pag-aaresto, Executive Order 70 o National Task Force to End Local Communist Armed Conflict, Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004, Republic Act 8353 o Anti-Rape Law at Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.
Samantala, tinatayang 200 na pamilya ang napasaya ng mabiyayaan ng gift pack at food packs kabilang ang 200 bata na binigyan rin ng libreng tsinelas.
Hinihikayat ng PNP ang mamamayan na makiisa at suportahan ang mga programa ng gobyerno para mapanatiling mapayapa, maayos at ligtas sa anumang krimen ang komunidad.
###
Panulat ni Police Executive Master Sergeant Joe Peter Cabugon