General Santos City – Nagsagawa ng Community Outreach Program ang mga tauhan ng Regional Mobile Force Battalion 12 sa mga mag-aaral ng San Jose Elementary School, Barangay San Jose, General Santos City nitong ika-1 ng Pebrero 2023.
Mahigit 150 na kabataan ang napamahagian ng mga pagkain, inumin at mga kagamitang pang-eskwela.
Kasabay ng aktibidad ay nagturo din sila ng kaunting kaalaman patungkol sa Kabataan Kontra Droga at Terorismo, EO 70 o End Local Communist Armed Conflict (ELCAC) at RA 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004.
Naging matagumpay ang aktibidad dahil sa pagtutulungan ng Regional Mobile Force Battalion 12 Class 2020-01 Batch MANDILAAB, Force Multipliers at KKDAT GenSan Chapter na boluntaryong nakiisa sa nasabing aktibidad.
Nagpasalamat naman ang mga kabataan dahil sa mga natanggap nilang regalo na talaga namang mapapakinabangan sa kanilang pag-aaral.
Ang mga ganitong aktibidad ay naglalayong pagtibayin ang relasyon ng komunidad at ng kapulisan tungo sa progresibo, maayos at mapayapang bayan.
Panulat ni Patrolman Charnie Atienza Mandia