City of San Fernando, Pampanga – Nagsagawa ng Community Outreach Program ang Regional Community Affairs Development Division 3 sa Barangay Telabastagan, City of San Fernando, Pampanga nito lamang Hulyo 13, 2022.
Ito ay pinamunuan ni Police Colonel David N Poklay, Chief, RCADD 3 kasama ang kaniyang mga tauhan at si Sister Florentina M Montemayor.
Ang naturang aktibidad ay kaugnay sa pagdiriwang ng ika-27th PCR Month na may temang “Ugnayang Pulisya at Komunidad Tungo sa Mapayapa, Maayos at Maunlad na Pamayanan.
Tinatayang 30 na kabataan ang nahandugan ng relief goods na naglalaman ng bigas, corned beef at hygiene kits sa Children’s Home of Eucharistic Love and Kindness and Women’s Shelter for Abandoned Shelter.
Ayon kay PCol Poklay, labis ang pasasalamat ng mga benepisyaryo sa natanggap nilang tulong galing sa PNP.
Ayon pa kay PCol Poklay, ang RCADD3 ay nagbigay kaalaman patungkol sa Women and Children Protection Desk at pangangampanya laban sa ilegal na droga.
Layunin ng aktibidad na mapagtibay ang ugnayan ng PNP at komunidad upang maging kaisa sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa bansa.
Source: RCADD3
###
Panulat ni Police Corporal Jeselle V Rivera