Indahag, Cagayan de Oro City – Nagsagawa ng Community Outreach Program ang PNP Regional Anti-Cybercrime Unit (RACU) 10 sa Kamakawan Elementary School sa Brgy. Kamakawan, Indahag, Cagayan de Oro City nito lamang Biyernes, Setyembre 30, 2022.
Lumahok sa nasabing aktibidad at nagbigay ng mensahe sina Police Lieutenant Colonel Victor Gonda, Officer-In-Charge ng PNP ACG Regional Anti-Cybercrime Unit 10 kasama sina Bro. Victor Angelo D. Lozano, Senior Warden ng CVL 250, Bro. Rey Primitivo Y. Capul Jr., Junior Warden ng CVL 250, Mr. Rodolfo A. Cañido, Presidente ng BIR Travelers Haven Inc. at Mr. Alexander M. Onte.
Tinatayang 361 estudyante ang naging benepisyaryo at nakatanggap ng school supplies, burger, del monte juice, pares ng tsinelas at single solar panels.
Nagkaroon din ng “Cyber Security Awareness on On-line Sexual Exploitation Abuse of Children” na binahagi para sa mga kabataan at mga magulang upang maiwasan ang pang-aabuso sa ating mga kabataan.
Ang aktibidad ay naayon sa programa ng Pambansang Pulisya na KASIMBAYANAN o ang Kapulisan, Simbahan at Pamayanan na magkatuwang na magbibigay ng serbisyo publiko na may malasakit para sa kaayusan, katahimikan tungo sa pag-unlad ng bansa.
panulat ni Patrolman Joshua Fajardo/ RPCADU 10