Pagbilao, Quezon – Nagsagawa ng Community Outreach Program ang Quezon PNP sa Maharlika Bible Baptist Church, Brgy. Ikirin, Pagbilao, Quezon nito lamang Miyerkules, Hunyo 15, 2022.
Ito ay pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Alexis Oliver Nava, Deputy Provincial Director for Administration sa ilalim ng pamumuno ni Police Colonel Joel Villanueva, Provincial Director ng Quezon Police Provincial Office.
Kabilang sa mga isinagawang aktibidad ay ang pamimigay ng food packs, alcohol, at facemask.
Labis naman ang tuwa at pasasalamat ng 76 na benepisyaryo ng naturang programa.
Layunin ng Quezon PNP na patatagin ang ugnayan ng pulisya at mamamayan tungo sa pagsuporta sa malakas na pananampalataya sa Poong Maykapal upang makamtam ang kapayapaan at katahimikan ng ating inang bayan.
Source: Quezon Police Provincial Offive-PIO
###
Panulat ni Police Staff Sergeant Grace Neville Ortiz