General Santos City – Nagsagawa ng Community Outreach Program ang mga estudyante ng PCADC CL 051-R12-2023-004 sa Purok Minanga, Barangay Buayan, General Santos City nito lamang ika-3 ng Agosto 2023.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni PCol Ricky Rebua, Acting Chief Regional Community Affairs and Development Division, dumalo din si PCol Jomar Alexis A Yap, City Director ng General Santos City Police Office, at mga tauhan ng Philippines Coast Guard.

Naglekyur ang grupo patungkol sa Basic Human Rights at R.A. 9262 (VAWC), at iba pang mga batas kasabay nito ang pamamahagi ng mainit na lugaw, tinapay, at juice sa mga residente kabilang ang mga bata, at matatanda.
Nagsagawa din ng Coastal Clean-up Drive ang grupo at Tree Planting Activity.
Ang naturang aktibidad ay bahagi ng Community Immersion Program ng mga estudyante ng PCADC na binubuo ng mga Police Non-Commissioned Officers mula sa PRO 12.
Ang pagsasagawa ng Community Immersion ng mga kapulisan ay nagiging daan upang abutin ang mga malalayong lugar sa lipunan at para mailapit ang serbisyo ng pamahalaan.
Panulat ni Patrolman Jerrald Gallardo