Malabon City — Nagsagawa ng Community Outreach Program ang Regional Mobile Force Battalion (RMFB) at Regional Community Affairs and Development Division (RCADD) ng NCRPO sa Sitio 6, Dumpsite Barangay Catmon, Malabon City bandang 8:00 ng umaga ng Sabado, Mayo 14, 2022
Ang aktibidad ay pinangunahan nina Police Colonel Lambert Suerte, Force Commander; at Police Colonel Romy Palgue, Chief, RCADD kasama ang mga tauhan ng Malabon City Police Station.
Ang programa ay kaugnay sa “Duterte Legacy Caravan: BARANGAYanihan Towards National Recovery” kung saan nasa 500 na mamamayan ang nabigyan ng food packs.
Ang mga benepisyaryo ay kabilang sa mga pamilyang naghihirap at miyembro ng Joint United People of Catmon in Malabon Organization (JUPCMO) – (KADAMAY group) na pinamumunuan ni Ms. Madelaine Cajipo, na dating naimpluwensyahan ng mga left leaning groups.
Bukod dito, namahagi rin sila ng 650 na IEC materials patungkol sa kahalagahan ng COVID-19 vaccines, epekto ng ilegal na droga, at ELCAC.
Ang NCRPO ay patuloy na itataguyod ang kapayapaan at kaligtasan sa komunidad, taglay ang inspirasyon sa pagseserbisyo ni Regional Director. Aniya, “Magtrabaho nang Maayos at Tama, Isapuso ang Disiplina.”
Source: PIO NCRPO
###
Panulat ni PSSg Remelin Gargantos
Tunay n may puso at malasakit ang mga kapulisan