San Dionisio, Parañaque City – Nakiisa ang National Capital Region Police Office sa pagdiriwang ng Eid’ l Adha sa Muslim Community ng Mohammad Masjid (Mosque) sa pamamagitan ng Community Outreach Program sa Dr. A Santos Avenue, Barangay San Dionisio, Paranaque City nito lamang Biyernes, Hulyo 8, 2022.
Dinaluhan ito ng 100 na kapatid na Muslim, kung saan nakapag-abot ang grupo ng mga food packs o Sadaqah.
Kabilang sa mga kalahok ay mga Imams/Ustadz, Bilal, Jama’s, Barangay Officials, Salaam Police Advocacy Group Officers, Muslim Community Leaders mula sa iba’t ibang tribong Muslim sa Paranaque City.
Nagpaabot naman ng pasasalamat sa mga kapulisan si Hon. Eric L Olivares sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa kanilang lungsod gayundin sa mga programa ng NCRPO.
![](https://i0.wp.com/psbalita.com/wp-content/uploads/2022/07/292030350_5274314535957752_3329891931423261458_n.jpg?resize=696%2C428&ssl=1)
![](https://i0.wp.com/psbalita.com/wp-content/uploads/2022/07/292152984_1868515276678429_5368573247856985008_n.jpg?resize=696%2C638&ssl=1)
![](https://i0.wp.com/psbalita.com/wp-content/uploads/2022/07/292262238_1479384315859340_8533992085450397849_n.jpg?resize=696%2C464&ssl=1)
Ang naturang aktibidad ay pinamunuan ni NCRPO Regional Director PMGen Felipe R Natividad kasama ang mga tauhan niya sa Regional Community Affairs and Development Division.
Kaugnay din ito sa 27th Police Community Relations Month Celebration na may temang “Ugnayan ng Pulisya at Komunidad Tungo sa Mapayapa, Maayos at Maunlad na Pamayanan.”
“Ang inyong pagdalo sa programang ito ay nagpapakita ng inyong suporta sa mga proyekto ng NCRPO. Lubos naming pinahahalagahan ang inyong oras at kooperasyon. Umaasa kami na patuloy ninyong susuportahan ang mga aktibidad na ito ng NCRPO na naglalayong bumuo ng mas malakas na ugnayan sa pagitan ng pulisya at ating mga komunidad ng Muslim,” ani PMGen Natividad.
Source PIO NCRPO
###
Panulat ni PSSg Remelin Gargantos