Commonwealth, Quezon City — Nagsagawa ng Community Outreach Program ang kapulisan ng National Capital Region Police Office sa Samsung Street sa Commonwealth, Quezon City nito lamang Huwebes, Setyembre 8, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng Regional Community Affairs and Development Division (RCADD) sa pamumuno ni Police Colonel Romy Palgue, Chief, RCADD.
Nilahukan ito ni Ms. Nicole Mata, Presidente ng Samsung Street Samahan ng Kabataan (SSSK).
Nagkaroon naman ng Lectures on Child Sexual Abuse and Exploitation Prevention (Tips kung paano makaiwas sa sekwal na pang-aabuso) at RA 9344 o Juvenile Justice Welfare Act of 2006.
Nasa 100 na kabataan ang naging benepisyaryo kung saan nakatanggap sila ng mga pagkain at educational toys sa isang proyekto na tinatawag nilang “Pass on Joy.” Nilahukan rin ng mga kabataan ang mga parlor games na pinalaro ng grupo.
Ito ay alinsunod sa National Crime Prevention Week na may temang “Sa New Normal: Sambayanan Magtulungan, Krimen ay Hadlangan tungo sa Kapayapaan at Kaunlaran.”
Ang naturang aktibidad ay bilang tugon sa bagong programa ng Pambansang Pulisya na M+K+K=K (Malasakit+Kaayusan+Kapayapaan=Kaunlaran) kung saan pinaparamdam ng pulisya sa publiko ang kanilang malasakit at presensya sa komunidad upang makamtan ang kaayusan at kapayapaan sa kanilang lugar gayundin ang minimithing kaunlaran ng bansa.
Source: National Capital Region Police Office
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos