Besao, Mt. Province – Nagsagawa ng Community Outreach Program ang Mountain Province PNP at ilang ahensya ng gobyerno sa Kin-iway, Besao, Mt. Province noong ika-4 ng Mayo taong kasalukuyan.
Ayon kay PCol Ruben Andiso, Provicial Director ng Mountain Province Police Provincial Office, mahigit kumulang 300 na residente ng Besao ang nakatanggap ng mga serbisyong isinagawa sa nasabing lugar.
Ang mga tauhan ng Mountain Province PNP ay nag-alok ng libreng police clearance at libreng gupit.
Ang Municipal Health Office sa pangunguna ni Dr. Joy Dicdican ay nag-alok ng libreng pagbabakuna at blood sugar testing.
Ang Municipal Agriculture Office kasama ang Besao BFP ay nag-alok naman ng libreng anti-rabies at namahagi ng mga punla ng gulay.
Ang Municipal Social Welfare and Development Office ay nag-alok ng tulong sa mga senior citizen na kwalipikadong makatanggap ng social pension.
Samantala, namigay naman si Ms. Amaranth Abalos, kinatawan ng DOLE Mountain Province ng mga power tool tulad ng apat na mini hand cultivator, planer, circular saw, electric drill, grinding machine, grinding disk, at protective eye wears sa mga dating rebelde bilang panimula ng kanilang pangkabuhayan.
Gayundin, isang tseke na nagkakahalaga ng Php489,530 ang itinurn-over sa Besao LGU para ibigay sa Tamboan Weavers Organization at limang iba’t ibang indibidwal na nag-avail ng livelihood program.
Layunin ng programa na mabigyan ng mga pangunahing serbisyo ng pamahalaan maging ng PNP ang mga kababayang naghihirap dahil sa pandemya.
Source: https://web.facebook.com/permalink.php?story_fbid=164961489304329&id=100073714352688&_rdc=1&_rdr
###
Panulat ni Patrolman Raffin Jude A Suaya