Balingasag, Misamis Oriental – Isinagawa ang Community Outreach Program ng mga tauhan ng Misamis Oriental Police Provincial Office kaugnay sa End Local Communist Armed Conflict (ELCAC) sa Sitio Lantad, Brgy. Kibanban, Balingasag, Misamis Oriental nito lamang ika-29 ng Setyembre 2022.
Ayon kay Police Colonel Gonzalo Villamor Jr., Officer-In-Charge ng Misamis Oriental Police Provincial Office, ang nasabing aktibidad ay naisakatuparan sa tulong ng Balingasag Municial Police Station na dinaluhan ng Advocacy Support Groups, Tri-People NACPHIL, MAGPTD/Committee on Peace and Order, LGU ng Kibanban, Balingasag, Misamis Oriental at Prince Hypermart.
Nakatanggap ng limang solar lights at 250 food packs ang mga residente ng naturang lugar.
Namigay naman ng 150 pares ng tsinelas, libreng gupit, feeding program at naghatid ng kaalaman ang mobile library ng Misamis Oriental PNP para sa mga kabataan.
Namigay din ng 100 IEC materials para sa Anti-Terrorism, 100 IEC materials para sa E-CLIP, 50 hotline keychains at 50 NTF PAGS/DPAGS IEC.
Kasabay ng programa ang pagtatanim ng 50 mahogany seedlings.
Ito ay kaugnay sa programa ng ating CPNP na M+K+K=K at KASIMBAYANAN na kung saan maramdaman ng ating mga kababayan ang malasakit, pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan ng PNP tungo sa mas maunlad na bayan.
Panulat ni Patrolman Nicole Villanueva/RPCADU 10