Pio V. Corpuz, Masbate – Nagsagawa ng Community Outreach Program ang mga tauhan ng Masbate 2nd Provincial Mobile Force Company sa mga residente ng Barangay Cabangrayan, Pio V. Corpuz, Masbate nito lamang Setyembre 29, 2022.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni PMaj Freddie C Herry, Acting Force Commander ng Masbate 2nd PMFC ang pamamahagi ng food packs sa mga residente ng nabanggit na lugar.
Labis naman ang kasiyahan at pasasalamat ng mga nakatanggap dahil sa maagang pamasko na handog ng ating mapagmalasakit at matulunging kapulisan ng Masbate 2nd PMFC.
Hinihikayat naman ang mga mamamayan na makiisa sa mga programa ng PNP at ng pamahalaan upang makamit ang inaasam na kapayapaan tungo sa kaunlaran ng ating bayan.
Source: Masbate 2nd PMFC
Panulat ni Pat Rodel Grecia