Basilan – Nagsagawa ng Community Outreach Program ang mga tauhan ng Maluso Municipal Police Station sa Brgy. Taberlongan, Maluso, Basilan nitong ika-2 ng Agosto, 2022.
Ayon kay Police Major Basiri Hassan, Chief of Police ng Maluso MPS, alas-7 ng umaga nagsimula ang naturang aktibidad katuwang si Honorable Hja Nur-in Bud, Barangay Chairwoman ng nasabing lugar at Advocacy Support Group at Force Multipliers.
Dagdag pa, kabilang sa aktibidad ang pamamahagi ng Php500, foodpacks at facemasks sa mga PWD, Senior Citizens at pinakamahirap na pamilya sa nasabing lugar.
Ang mga aktibidad na ito ay naglalayong isulong ang matibay na samahan sa pagitan ng komunidad at PNP gayundin upang mabawasan ang pasanin ng mga kapus-palad sa gitna ng pandemyang kinakaharap ng ating bansa.
###
Panulat ni Patrolman Charlie Nasroden Corpuz