Maasin City – Nagsagawa ang mga tauhan ng Maasin City Police Station ng Community Outreach Program sa pamamagitan ng feeding program activity at pamamahagi ng school supplies sa Brgy. Soro-Soro, Maasin City noong Sabado, Hunyo 18, 2022.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant Romeo Labata, Deputy Chief of Police sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Lieutenant Colonel Mariano C Epilogo, Acting Chief of Police ng Maasin CPS kasama ang Maasin Central School Batch 1981.
Umabot sa kabuuan na 150 na mga bata at mga magulang ng nasabing barangay ang nakatanggap ng benepisyo mula sa nasabing aktibidad.
Ang programang ito ay isinagawa alinsunod sa patuloy na pagtalima sa isa sa mga pinakamahusay na kasanayan sa PNP Core Values, ang “Pulis Makatao” pati na rin ang “PNP Good Deeds”.
Ang patuloy na pamimigay tulong ng mga kapulisan sa mga nangangailangan sa kanilang nasasakupan ay mas pinatitibay nito ang ugnayan ng pulisya at komunidad.
###
Panulat ni PSMS Reynaldo Pangatungan