Looc, Romblon – Nagsagawa ang Looc Municipal Police Station ng Community Outreach Program sa Barangay Tuguis, Looc, Romblon nito lamang Hulyo 18, 2022.
Ang aktibidad ay alinsunod sa ika-27th Police Community Relations Month Celebration na may temang “Ugnayang Pulisya at Komunidad Tungo sa Mapayapa, Maayos at Maunlad na Pamayanan”
Ito ay pinangunahan ni Police Lieutenant Elena Gebaña, Officer-in-Charge ng Looc MPS kasama ang Looc Local Government Unit.
Namahagi ang grupo ng food packs at hygiene kits sa mga piling pamilyang kapus-palad sa nasabing barangay.
Labis naman ang pasasalamat ng mga pamilyang natulungan ng grupo.
Ang aktibidad ay naglalayong tulungan ang mga taong nangangailangan lalo sa mga pamilyang kapus-palad at ipadama sa kanila ang serbisyong hatid ng ating pamahalaan.
Source: Looc MPS
###
Panulat ni Patrolman Jorge Michael C Bardiago