Tarlac -Tuloy-tuloy na naghahatid ng tulong ang La Paz PNP sa pamamagitan ng Community Outreach Program para sa mga residente ng Brgy. La Purisima, La Paz, Tarlac nito lamang Biyernes, ika-23 ng Hunyo 2023.
Ang naturang aktibidad ay pinamunuan ni Police Major Joy Turaray, Chief of Police ng La Paz Municipal Police Station, katuwang sa pamamahagi ang Faith-Based Group, Barangay Officials, at GBSLEC Force Multiplier.
Nagkaroon ng pamimigay ng libreng bigas sa mga magulang at school supplies naman para sa mga kabataan.
Labis ang galak ng mga benepisyaryo sa ipinaabot na tulong ng mga pulisya at pasasalamat naman sa pagpili sa kanilang lugar upang bigyan ng naturang serbisyo.
Samantala, kaugnay din ito sa Community Engagement na napaloob sa 5-Focused Agenda ni Police General Benjamin Acorda Jr, Hepe ng Pambansang Pulisya.
Layunin din ng nasabing aktibidad na mapagtibay ang ugnayan ng PNP at pamayanan na kung saan magkakaisa ang bawat isa tungo sa maunlad na pamumuhay.
Source: La Paz Municipal Police Station
Panulat ni Police Corporal Jeselle V Rivera/RPCADU3