Kalinga – Isinagawa ang Community Outreach Program ng mga tauhan ng Kalinga 1st Provincial Mobile Force Company sa Brgy. Tawang, Balbalan Kalinga nito lamang ika-23 ng Enero 2023.

Ang aktibidad ay pinangungunahan ni Police Major Ham Banag, Acting Force Commander ng Kalinga 1st PMFC, katuwang ang mga kawani ng Department of Interior and Local Government ng Kalinga na pinamumunuan ni Anthony Ballug at iba pang ahensya at stakeholders.

Tampok sa aktibidad ang libreng konsultasyon, medical and dental check-up, at libreng gupit.

Bukod pa rito ay tinalakay rin ng mga nasabing grupo ang barangay development at concern issues sa nasabing probinsya.
Ito ay isang patunay ng hindi natitinag ang dedikasyon ng PNP katuwang ang stakeholders sa paghahatid ng tulong, serbisyo at malasakit sa mga mamamayan.
Panulat ni Patrolwoman Myra Beran