Iligan City – Nagsagawa ng community outreach program ang Iligan City Police Office sa Sitio Kalamalamahan, Brgy. Rogongon, Iligan City, nito lamang Martes, Marso 29, 2022.
Ito ay pinangunahan ni Police Colonel Dominador Estrada, City Director, Iligan City Police Office kasama si Police Colonel Wilbur Salaguste, Chief, Regional Community Affairs and Development Division ng Police Regional Office 10.
Kasabay ng aktibidad ay ang pamamahagi ng 150 food packs at 100 pares ng tsinelas, mga school supplies at laruan.
Nagkaroon din ng libreng gupit, operation tuli, mobile library, medical and dental mission para sa mga kabataan.
May ice cream, milk tea at tuna bread ding inihanda para sa lahat ng benepisyaryo.
Naging matagumpay ang nasabing aktibidad dahil sa partisipasyon ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno tulad ng Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police-Special Action Force, Department of the Interior and Local Government, City Environment and Natural Resources Office, Technical Education and Skills Development Authority-10, Philippine Information Agency-10, Metro Iligan Eagles Club, at Rotary Iligan.
Pinasalamatan din ni Police Colonel Estrada ang walang sawang pagsuporta ng iba’t ibang stakeholders sa mga programa ng Pambansang Pulisya.
Ang pagsasagawa ng ganitong uri ng aktibidad ay isang paraan ng kapulisan na tugunan at mabigyan ng agarang aksyon at mapaabot sa komunidad ang tulong ng kapulisan ng Iligan sa gitna ng pandemya na ating kinakaharap.
###
Panulat ni Police Staff Sergeant Grace Neville L Ortiz